BUOD
Sa unang pangyayari, dumaing ang anak ng magsasaka na hindi niya maranasan ang marangyang buhay at puro hirap at pagod ang kanyang nadarama. Sa kabilang banda, tinawag ng ama ang anak upang pumunta sa kusina at sa pagdaing ng anak ay wala ni isa man lang siyang narinig mula sa kanyang ama.
Nagpakulo ng tubig ang ama at isa isang inilagay ang carrot, itlog, at butil ng kape. Pagkatapos ay tinanong ng ama ang anak kung ano ang mangyayari. Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot, ang itlog na matapos mabalatan ito ay naging buo at matigas, at sa butil naman ng kape ito ay natunaw at nagkaroon ng matingkad na kulay. Matapos ang pagkakalaga tinanong ng ama kung alin siya dito sa tatlo at ipinaliwanag isa isa ang maaaring kahihinatnan sa totoong buhay.
Unang ipinaliwanag ng ama ang carrot na naging malambot, na sumisimbolo sa pagiging mahina, pangalawa ay ang itlog na naging matigas na ipinahihiwatig ang pagkamapride at hindi marunong magpatawad, panagatlo ay ang butil ng kape na nagpapatatag sa lahat ng pagsubok sapagkat ito ay nagkakaroon ng matingkad na kulay at habang tumatagal ay bumabango. Matapos ang mahabang paliwanag ng ama, tinanong niya ang anak kung ito ay magiging carrot, itlog, o butil ng kape. Ngumiti lang ang anak at sinabi na siya ay magiging isang butil ng kape na katulad ng kanyang ama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento