Huwebes, Nobyembre 10, 2016

Repleksyon ng Mensahe ng butil ng kape

REPLEKSYON

        Sa kwento ng butil ng kape, maganda ang naging laman o mensahe nito. Sa pagiging isang nilalang sa mundo, katulad ng nasa kwento kailangan natin na maging isang butil ng kape upang lahat nang dumating na pagsubok ay kaya nating lampasan. Mahirap man at nakakasawa na ang mga problemang dumarating, kailangan parin natin itong harapin. Hindi naman siguro ito darating kung alam ng Poong Maykapal na hindi natin ito kayang lagpasan. Darating din tayo sa punto na hindi natin namamalayan na ang problemang ating kinakaharap ay unti unti nating nareresolba.

        Sa pagiging isang carrot na habang inilalaga ay unti unti namang lumalambot. Oo nga at nakararanas tayo g napakalaking pagsubok, ngunit magiging ganito ka ba kahina para hindi harapin ang problema? Mas lalo lamang magiging hindi ka komportable o palagi mo nalang ba itong ipapaisantabi. Mga negatibo ang pumapasok sa isipan kaya nagiging mahina ang ating loob. Sa pagkamahina mo, sa tingin mo ba magiging matagumpay ka ba sa panghinaharap?

        Sa itlog na inilabon at naging matigas, tumutukoy ito sa mga taong walang awa at hindi marunong magpatawad. Sa pagkakaalam ko lahat tayo ay may karapatang magpatawad kahit na sobrang laki nang kasalanan na nagawa sa atin. Minsan dahilan nang sobrang galit, natitiis natin na hindi magpatawad. Pero sa huli nananaig parin ang kabutihang loob at napapaisip tayo na mali ang hindi magpatawad. Diyos nga ay nakakapagpatawad tayo pa kaya na kanyang nilikha.

        Lahat tayo ay may pinagdaraanan sa buhay, minsan masaya at kabaligtaran nito ay may lungkot. Sa bawat pagsubok na ating kakaharapin nararapat lamang na maging matibay at positibo. Huwag kaagad sumuko sa kahit anong problemang dumating. Ngitian nalang at tandaan na nasa itaas ang Diyos na handang tumulong sa kahit na anong oras. May kasabihan tayo na “nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa”.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento